Ang Alimango, Bow!

Iba-Iba ang klase ng alimango. May pula,asul,kulay abo at rosas. Sa bawat pagkakaiba ng mga alimangong ito, may iba-iba rin silang katangian. Pwede ito gawing alaga at ang iba nama’y makakita lang ng alimango, alam mo na ang nasa utak nila, ” Masarap pampulutan yan.”

Pagdating sa pagkain, higit na masarap kainin ang alimango kung ito’y iluluto sa iba’t ibang putahe depende sa probinsyang kinalakihan natin. Sa probinsya ko ang alimango ay niluluto sa pamamaraan
ng pagkulo sa gata, kalabasa at sitaw.Sabi nga sa america, “You can never go wrong with cooking crabs in coconut milk.” Sa usapang presyo, hindi natin maitatanggi na medyo mahal rin ito. Pero kahit na may kapresyohan ang alimango, patuloy pa rin natin binibili at sadyang nabubusog.

Maiba naman tayo ng usapan tungkol sa Alimango bukod sa pagkain nito. Hindi natin maitatangi na isa sa mga naging kaugalian ng isang Pilipino ay ang ” Crab Mentality.” Ano nga ba ang ” Crab Mentality?… teka lang mai-Google ko nga! ( Ang resulta: 258,000 hits!), Sabi dito ang ” “Crab  mentality,” nag-ugat sa talinghaga ng isang balde ng alimango na kung saan hinihila pababa ang alimango na naka akyat na pataas at palabas ng balde, na ang resulta ay parehas sila hindi makakatakas dahil naghihilahan sila pababa.

Naalala ko yung ikwenento ng isang realtor sakin noong ako’y nasa California, dumalo kami ng Ate at Kuya ko sa isang pagpupulong nung ako’y bagong miyembro. Ang tanong nya sa akin, ” When you put 1 crab in a woven basket, how can you ensure that it won’t escape?.” Sa isip-isip ko sabi ko, “Talaga nga naman si manong… First time kakausapin na nga lang ako eh tatanungin pa ako sa English…Nosebleed ito ha! Napatingin ako sa Ate ko at pinaubaya ko na sa kanya sumagot. Ang sabi ng ate ko, ( Pero english parin usapan nila… trinaslate ko nalang sa pagkakaintindi ko) ” Edi takpan mo yung basket para hindi ito lumabas! Ang sabi ng realtor, ” Eh kahit takpan mo ng takip, Alimango yun, kayang kaya nito gupitin ang basket para makatakas.” Eto naman kuya ko ang humirit, ” edi itali mo sipit ng alimango at saka mo takpan un basket! Ang sabi ng realtor, ” Edi pipilitin nya maputol ang tali o gumawa ng butas sa basket  dahil gawa sa habi ang basket. Sabi ko sa realtor, ” Okay fine, Hirit na!” Ngumiti ang realtor… at sabay sabi, ” Para hindi makatakas ang Alimango mo, Lagyan mo pa ng isang alimango para pag umakyat ang isang alimango, eh hihilahin sya ng isa pang alimango na kasama niya, sa ganun paraan kahit anong
pagtiya-tiyaga ng isang alimangong tumakas, hihilahin  sya ng isa pang alimango para hindi sya lamangan.”

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi ko makalimutan yung unang usapan namin dahil kahit saan ako magpunta napapaalala sa akin ang talinghaga na iyon sa bawat trabaho na pinamamasukan ko. Napansin ko na ayaw talaga magpalamang ng mga katrabahuhan kong Pinoy sa kapwa Pinoy. Ngayon,nang sinearch mo ang ” Crab Mentality” sa Google. Bukod sa 258,000 na resulta na nakikita mo, anu ang napansin mo? Napansin mo ba na puro salitang “Pinoy, Philippines and filipino?” ang lumalabas na salita? Isa lang ang ibig sabihin nun, Hindi maiwasang isipin at masaklap aminin, Kahit saan ka magpunta, ang ” crab Mentality,” ay isang kaugalian na na nakadikit na sa Pilipno na kahit anong itanggi o itago mo, nakatatak na sa kaisipan ng mga tao at pati sa “world wide web” na kilalang- kilala na gawain ito ng Pinoy.

Paano ba natin maiwasan ito at ano ba ang solusyon para mabura natin ang paniniwala na itoy isang kaugalian ng pinoy? Maraming nagsasalita at nangangako na hindi nila gagawin ito o iiwasan man lang. Pero ang katotohanan, ito’y walang pagbabago mula pa noon. Sabihin na nating maraming nagmulat ng kanilang mga mata sa problemang ito ngunit kung may isa pang pinoy na patuloy pa rin na humihila sa kapwang kababayan paibaba… ito ay representasyun ng kung saan sya nangaling.

Ang pagbabago ay mahirap makamit pero kahit ilan taon man yan kung pipilitin ng tao magbago, ito’y matutupad. Pero sa panahon ngayon ang “crab Mentality” ay isang kaugalian na sadyang tinangap na ng lipunan. Marami na ang sumubok para linisin ang mantsang naiwan, ngunit panu malilinis ang dumi kung nakatatak na sa kaisipan ng tao na tangap na ito at wala na tayong magagawa kundi magreklamo.

Kailan darating ang araw na hindi na tayo naghihilahan pababa kung hindi magtulungan nalang paitaas para sa ikau-unlad at paakyat sa tunay na kalayaan na buong dekadang lumilipas ay hindi pa rin mahawakan at sabihing ” Ako’y Malaya at Masaya… Ito ang kulay ko, Pilipino ako!”

Sa pagkain, kahit anong kulay man yan, masarap ang alimango. Pero ang maging alimango? Ikaw, nasaiyo ang desisyon kung gusto mong maging masarap ang sarili mong buhay kung may kapalit naman ng paghadlang sa pag-unlad ng iba.

 

Original posted at: www.shasha.tv

Sharcoal Eyes

About Sharcoal Eyes

Inspired & In Love! "Do not believe in Success, If you do not have the Will to do so".

Web | Facebook | More Posts

No related posts.

  • Anonymous

    Nice Job! I completely agree with everything. Btw, California has Red Crabds, Rock Crabs and Dungenese. All of them are super, duper, super, duper delicious. YUM!

    You’re right. Your article just made me hungry.